The Food Blog for Hungry Bachelors
Powered by MaxBlogPress  

Anger at lies lasts forever. Anger at truth can't last.
-Greg Evans, Luann (comic), September 27, 2003

lomo-banner
Your ad here

« Poll: Opposition’s standard bearer in 2010
» Paranoia, 2

Politics, Society in General

Isang kandila para sa EDSA Dos

01.18.08 | 4 Comments


If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!

Gustuhin ko man magsulat ukol sa EDSA People Power 2, mas mabuti pang magsindi na lang ako ng kandila.

Sa aking pagbabasa ng mga sumulat ukol sa EDSA Dos, nakakalungkot isipin na karamihan sa kanila ay nawalan ng gana. Sa wikang Ingles, they were badly burned. Iyung iba, talagang nag-isip pa pero isa lang naman ang patutunguhan ng kanilang mga sinasabi. Sa sikolohiya, meron tayong tinatawag na defense mechanisms, at sa aking palagay, sa mga nabasa ko na, nangingibabaw ang rasyonalisasyon.

Kung mabuti ang EDSA 2, bakit hindi natin ito magawa upang mapatalsik si Gloria Arroyo? Ang ilan sa iba, nagsabi na hindi ang pagpapaalis sa pinuno ng bansa ang solusyon. Ibig sabihin ba nun hindi tamang solusyon ang EDSA 2?

Ang iba naman ay nagsabi na mas mabuti na tumulong na lang sa ibang paraan upang mas mapabuti ang lipunan. At pabayaan na lang natin ang pulitika at iwan ito sa mga pulitiko? Parang nabalewala lang ang pagpunta nila sa EDSA. Para na rin nilang sinabi na hindi nakabuti ang EDSA 2. Eh bakit kailangan mo pang sabihin na tama ang EDSA 2 kung ganyan din lamang ang sasabihin mo?

Porke ba napaso tayo ng mga nangyari pagkatapos ng EDSA 2 eh susuko na tayo? Kung ganyan lahat ng pag-iisip natin, wala talagang mangyayari.

Kaya nga ayaw ko na magsulat ukol sa EDSA 2. Sasama lang ang loob ko. Dahil kahit anong gawin ko, kahit anong isulat ko upang ipaalam sa madla kung bakit dapat tayo makialam sa pulitika, wala ring mangyayari. Dahil mahirap makipag-usap sa taong nagtutulug-tulugan.

Like my article? Leave a tip! Or, treat me to a cup of coffee!
Tags: , ,

Visit the AWBHoldings.com Online Store!


If your comment is eaten by Akismet or just went somewhere else, please let me know. You can either leave a message at the chat box at the lower left, or via the contact page. Thanks!

RSS feed

4 Comments »

Comment by Luis Subscribed to comments via email
Comment Permalink: 2008-01-18 19:28:11
Using Internet Explorer Internet Explorer 7.0 on Windows Windows XP

Hindi naman seguro dahil sa nagtulugtulugan si penoy. Ang dahilan at mapupudpud ang bakya at sinelas kung magmamarcha sila. Alangan namang sapatos ang gagamitin … mahal yata ang AngTibay.

Luis’s last blog post..The Mark of a Demagogue

Comment by Arbet
Comment Permalink: 2008-01-19 08:08:09
Using Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.11 on Windows Windows XP

Luis, wala nang AngTibay ngayon.

 
 
Comment by Lester Cavestany
Comment Permalink: 2008-01-21 18:59:26
Using Internet Explorer Internet Explorer 7.0 on Windows Windows Vista

Hindi ka nag-iisa sa kawalan ng gana magsulat lalo na kung sa tingin nati’y hindi naman makabuluhan o epektibo ang ating napiling medium - ang blog. Pero naniniwala akong dadami rin ang matututong gumamit ng medium na ito at mas marami ang makakabasa ng ating mga sinusulat. At pagdating ng araw na yon, masasabi natin sa ‘ting sarili na, sa ‘ting munting paraan naipahayag natin na hindi tayo payag sa mga nangyayari sa ‘ting lipunan. Pagbabago, ngayon!

Lester Cavestany’s last blog post..Sic O Clock News is Back! (I Demand Fair and Balanced News!)

Comment by Arbet
Comment Permalink: 2008-01-22 16:12:21
Using Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.11 on Ubuntu Linux Ubuntu Linux

Iyan na nga lang lagi ko iniisip.

 
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Comments will be sent to the moderation queue.


« Poll: Opposition’s standard bearer in 2010
» Paranoia, 2